When God poured talent of singing, I believe Filipinos were very much awake.
Sino nga bang pinoy ang hindi mahilig kumanta na kahit medyo hindi nakukuha ang mga nota, bumibirit pa rin! Napatunayan natin yan dahil kapag tayo ay may pinagdidiwang o kahit walang pinagdidiwang kasama natin ang “videoke” sa ating kasiyahan.
At dahil sa hilig natin sa pagkanta maraming mga talent shows sa Philippine TV ang nagsilabasan para hanapin ang mga mahuhusay na singers sa ating bansa. Mula sa “Ang Bagong Kampeon” hanggang “The Voice of the Philippines” marami tayong nakita at narinig na magagandang boses na nagiging idolo natin. Mula kay Regine Velasquez na tinaguriang Asia’s Songbird hanggang sa Popstar Superstar na si Sarah Geronimo na hinangaan locally at internationally.
Hindi lang dito sa pilipinas nagpakita ng talento ang mga pinoy kundi pati na rin sa buong mundo. Kilala niyo ba ang mga pinoy at may dugong pinoy na sumali sa ibat-ibang singing contest sa ibang bansa katulad ng American Idol at X Factor? Nangunguna na sa listahan si Jasmine Trias na naging Top 3 finalist ng American Idol Season 3. Sinundan ng mga semi-finalists na sina Camille Velasco (Season 3), Ramielle Malubay (Season 7) at Thia Megia (Season 10). At ang pinakamatagumpay na pinoy contestant sa American Idol na si Jessica Sanchez, na naging runner up ng season 11 ng naturang palabas. Hindi man siya nanalo ay napatunayan niya pa rin ang galing ng mga pinoy. Hindi naman pahuhuli ang dalawang pinoy nagpamalas ng galing sa magkaibang X Factor shows. Nanalo si Rose Fostanes noong nakaraang taon sa The X Factor Israel at siya ang kauna-unahang nanalo sa naturang palabas. Nagtatrabaho si Rose bilang caregiver sa Israel pero hindi niya napigilian ipakita ang galing niya sa pagkanta. At ngayong taon lang ay nanalo naman si Marliza Punzalan sa The X Factor Australia na pinakabatang nanalo dito.
Sino ba ang hindi nakakakilala sa tinaguriang “Most Talented Girl in the World” ni Oprah Winfrey na si Charice. Buong mundo ay humanga sa kanya ng naupload ang video niya sa YouTube and the rest is history! Nang dahil din sa YouTube ay naging lead singer ng American Rock Band na Journey si Arnel Pineda. Marami pang pinoy ang nagpakita na kilang talento sa pagkanta na pinanood ng buong mundo katulad nila Maria Aragon, Zendee Rose Tenerefe at ang magpinsan sina Aldrich Lloyd Talonding and James Walter Bucong. Mas naging malawak ang pagkakataon ng mga pinoy na mapakita sa buong mundo ang ating talento sa pamamagitan ng social media.
Alam niyo rin ba na may dugong pinoy sina Enrique Iglesias at Cassie? Si Enrique Iglesias na isang sikat na Spanish singer ay pinay ang nanay at ang R&B singer na si Cassie ay pinoy naman ang tatay. Ilan lang sila sa mga sikat na pinoy na nagpamalas ng galing sa ibang bansa. Kasama pa diyan sina Nicole Scherzinger ng Pussycat Dolls, Vanessa Hudgens sa sikat na High School Musical movies, Darren Criss na lumabas sa Glee, apl.de.ap na member na sikat na Black Eyed Peas at Grammy Award-winner na si Bruno Mars.
Walang makakapagsabi kung bakit mahuhusay ang mga pinoy sa pagawit. Isa na siguro ang kulturang kinalakihan natin na sadyang masayahin na kahit may mga problema ay positibo pa rin tayo sa buhay. At dahil dun ay lumalabas sa mga boses ng pinoy ang tunay na kahulugan ng isang awit. Matapos man ang isang awitin hindi mauubusan ng boses ang mga pinoy para ipagmalaki sa buong mundo ating talento.
Other Stories you might want to read!
Creme Caramel
PLAY FOR OUR FINALS IN FIL. 3
Pagkaing Pinoy (Adobo)
Hiro Mallari ~ Every Girls Dream Guy
Have something to say?
LEAVE A COMMENT
Source:
http://ift.tt/1xP9cGG